Tarantino in Manila
photo from www.squidoo.com"In" na rin ako sa mga artsy fartsy kasi nakita ko na rin sa Quentin Tarantino in person. Naglalakad kami sa lobby ng Edsa Shangri-la nang may nakita akong padating na malaking bulas na kano. Akala ko regular joe pero paglapit, namukhaan ko agad. Syet na malagket. Iba pala ang aura ng "greatness." Mukhang may function na pupuntahan kasi naka barong , pero tinernohan ng track pants and sneakers para weirdo pa rin. (hmm, mga artist talaga o)
Ayaw daw niya na kinukunan ng pics (at nasa itsura din niya na ayaw niyang kinukunan, aka mukhang masungit) so nung dumaan siya ulit, sinimplihan ko ng phone camera (pinoy stayle) pagdaan niya with a female friend. Pero biglang nagkamali ako ng napindot sa keypad kaya di na save. Grrr, not meant to be. At least mamamatay akong may nakitang isang director na may nagawang pelikula na kasama sa 50 greatest American films.






